Mag-ingat sa bagsak-presyo sa balikbayan box delivery Customs

0

by: Mina Navarro of http://www.balita.net.ph

Huwag patulan ang alok na ‘bagsak-presyo’ ng mga mandarayang cargo forwarder sa paghahatid ng balikbayan boxes.

Ito ang babala ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa mga overseas Filipino workers (OFWs), sa pagsisimula ng pagdagsa ng balikbayan boxes ngayong nalalapit na ang Pasko, na karaniwang naglalaman ng mga regalo mula sa miyembro ng pamilya na nagtatrabaho o nakatira sa ibang bansa.

Sa ganitong panahon, karamihan sa cargo forwarders ay nagbababa ng kanilang presyo upang makaengganyo ng mas maraming kustomer ngunit hindi naman maihahatid dahil ang mga may hawak o handler ay hindi nabayaran ang mga buwis ng kargamento kagaya ng nangyayari sa nakaraang Pasko.

Ang karaniwang bayad para sa balikbayan box ay $100, kasama na ang taxes and duties, ngunit ang ilang cargo forwarders ay nag-aalok ng kanilang serbisyo ng mas mababa sa $50 isang kahon, pahayag pa ng komisyuner.

Pagdating sa puwerto ng kargamento ay walang maibayad na pera sa taxes and duties dahil sa hindi makatotohanang siningil sa kanilang mga kustomer. Sa kabiguan ng cargo forwarders na makabayad ng obligasyon, sila’y inilalagay sa blacklist na ang napeperwisyo ay ang kanilang mga kliyente.

 

[author] [author_image timthumb=’off’][/author_image] [author_info]Mina Navarro http://www.balita.net.ph/2012/11/mag-ingat-sa-bagsak-presyo-sa-balikbayan-box-delivery-customs/#.UKKGc4fIuSo[/author_info] [/author]

 

Repost from  Online Balita on Nov 14th, 2012